Anak datnan kang bundat ng aking sulat(walang hiya ka bakit ka nag pa buntis!)
Anak mahirap talagang mag alaga sa mga kapatid mo(alangan namang ipa alaga mo 'yan sa aso.)
Pasensya na pala kayo, next month pa ang padala ko.
Nabiktima kasi ako ng illegal recruiter.
Mabuti na lang at naawa sa akin ang konsul dito sa imbahada,
Ihinanap ako ng trabaho.
Iyon nga lang imbes na nurse ng tao
Ay nurse ng mga plato,
Taga hugas din ng inodoro,
Lakip pa ang patabaing aso
Ng aking amo.
Anak halos maluwa na ang bituka ko sa kakatrabaho.
Pero ayos lang 'nak basta maiahon ko lang kayo.
Sana naman suklian n'yo ito.
Sya nga pala mangutang muna kayo,
Babayaran ko 'kamo pag s'weldo.
Anak hanggang dito na lang ang sulat ko,
tinatawag na ako na mga bruha dito.(sila ma'am yon)
Ihalik mo ako sa mga kapatid mo,
Itadyak mo din ako sa tatay mo.
O anak mag pakabuti sana kayo,
Wag ka sanang takasan ng magaling mong nobyo.
Pahabol nga pala
Kung wala kayong mautangan
'Benta mo na lang ang tatay mo...
From: Andronico (sana naman natuwa kayo kahit paano).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment